Homily of Bishop Socrates Villegas, D.D.
on the Installation of Fr. Rufino “Jun” Sescon as the Rector and Parish Priest
of the Minor Basilica of the Black Nazarene and Parish of Saint John the Baptist (Quiapo Church)
Your Eminence the Archbishop of Manila Jose Cardinal Advincula, Your Excellencies, Fr. Jun and the Reverent Fathers, my dear brothers and sisters in Christ.
Magkaiba po kami ng magulang ni Fr. Jun. pero kami po ay magkapatid. Pareho kaming ipinanganak sa Maynila. Pareho kaming nag aral sa Letran bago pumasok sa seminaryo. Pareho kaming nag aral sa San Carlos Seminary bago na-ordinan. At pareho din kaming tumira sa Villa San Miguel pagkatapos ng ordination. Pagkatapos po ng labingwalong taon na paninirahan sa Mandaluyong, akala ko ako na ang may hawak ng world record pero na-break ni Fr. Jun. Ako ay tumira sa Mandaluyong sa eighteen years, si Fr. Jun ay tumira sa Mandaluyong, Villa San Miguel (ng) 24 years. At naintidihan ko ang pangamba ni Fr. Jun. Sapagkat napakalaking pagbabago ng buhay, pagbabago ng pananaw, pagbabago ng kabuhayan at tirahan ang ibinigay sa kanya ng Arsobispo ng sabihing kailangan siyang maging rector at parish priest ng Quiapo.
Malaki hong pagbabago. Sa isang banda, parang naawa ako kay Fr. Jun. Pero, sa kabilang banda alam ko namang hindi sya mag-iisa. Hindi dahil kayo’y naririto, kundi dahil hindi siya hihiwalayan ng Nazareno. At sa pagbabago ng kabanata ng buhay ni Fr. Jun ay ang Hesus Nazareno ang kanyang magiging taga pagturo. Sapagkat ang totoo, Sya lang naman talaga ang pwedeng magturo. Sapagkat iisa lamang ang pari. At ang pari ay ang ating Panginoong Hesukristo.
May mga aral ang Nazareno na pang Nazareno lamang at pang pari lamang. Hindi natin maiisip ang Banal na Nazareno kundi nakaluhod. Palagi Syang nakaluhod. Hindi nakatayo, hindi nakaupo, hindi tumatakbo, hindi naglalakad. Nakaluhod. At ang pagluhod ng Nazareno ay tanda ng kababaang loob. Ang pagluhod ng Nazareno ay tanda ng pagyakap sa walang kapangyarihan. He did not deem equality with God to be something to be grasped at; rather He emptied Himself and took the form of a slave.
Be humble like Jesus, Fr. Jun.
Dito sa Quiapo ang dami daming nagsisigaw ng presyo ng iba’t ibang paninda. Dito sa Quiapo, maraming nagsisigawan, naghahabulan, nag aaway. Subalit, Fr. Jun, pakiusap ko sa iyo, hindi mo kailangan sumigaw sa Quiapo.
Whisper the Gospel to the soul of Quiapo. Whisper the Gospel to the soul of Manila.
The Gospel must be whispered from the depth of your soul. Sapagkat ang sigaw ay galing lamang sa lalamunan. Ang bulong, galing sa malalim na kalooban.
At Fr. Jun, ituro mo ang turo ni Hesus dito sa Quiapo. Ibulong mo ang Mabuting Balita mula sa kaibuturan ng iyong puso. Hindi (lang) mula sa lalamunan, kundi sa kababaang loob ng halimbawa ng buhay.
Ang pangalawa tungkol sa Nazareno ay pasan Nya palagi ang krus. At ang krus ay hindi Nya bibitawan. Kapag nakakita tayo ng imahen ng Panginoon, na hindi pasan ang krus at nakaluhod, hindi natin iisiping Nazareno ang imaheng iyon. Kaya't Fr. Jun, kapit ka palagi sa krus. Huwag kang matatakot. Sapagkat hindi ka pwedeng magbasbas ng walang krus. At ang basbas at grasya ng buhay mo bilang pari, na dadaloy mula sa mga kamay mo patungo sa buhay ng pamayanang Kristiyano ng Quiapo ay dadaloy lamang mula sa pagbabasbas ng krus.
Fr. Jun, be brave. Sa Quiapo, bawal ang duwag.
Huwag na huwag kang magiging duwag na manindigan para sa Diyos. Kahit ano ang mangyari. Kumapit sa krus! Mabigat, masakit subalit ang bigat at sakit ng krus ay pagpapala para sa iyo at pagpapala para sa taong bayan. Be humble like Jesus. Be brave like Jesus.
At sa huli, saan nakatinggin ang mata ng Nazareno? Hindi nakatingin sa tagiliran na parang humihingi ng awa sa kapwa. Hindi nakatingin pababa na parang maliit ang tingin sa mga nasa harap Nya. Nakatingala. Nakatingala sa langit. Nakatingala at umaasa sa pag-asa sa Diyos. Nakatingala at sinasabing, “My hope is in the Lord and I will never hope in vain. “. Maaring umasa sa pera, maaaring umasa sa pinag – aralan, maaaring umasa sa koneksyon, maaari ring umasa sa marami pang bagay, subalit iisa lamang ang aasahan na hindi tayo sisiphayuin, yung pag-asa sa Panginoon.
Spes en Domino, Hope in the Lord.
Hope in the Lord, teach us to trust in the Lord, teach us to depend on the Lord. Teach us that in the Lord there is mercy and compassion. Teach us to say from the heart, Jesus I trust in You.
Minamahal na Fr. Jun, nakakatakot ang pagbabagong ito. Sapagkat hindi ka na bata. Subalit sa pagbabago ng ating buhay, alam nating mayroong hindi nagbabago, ang pagmamahal ng Diyos para sa iyo. Sa pagbabago ng iyong pamumuhay, sa pagbabago ng tirahan, sa pagbabago ng mga paring kasama, sa pagbabago ng simbahang paglilingkuran, tumingala ka sa Nazareno.
Be humble like Jesus. Be brave like Jesus. Be hopeful like Jesus.
This is your mission. And this is our prayer.
Amen.
Transcribed by Russell Fleur Gallego
Photo by Margaux Salcedo
Comments