top of page
Search

Cardinal Advincula: Pagmamalasakit para sa Kaligtasan ng Lahat bilang Debosyon sa Poong Nazareno

Updated: May 17, 2022

Ipakita natin ang ating debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa ating pag-iisip ng makabubuti para sa bawat isa at pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat. - Cardinal Jose Advincula



Cardinal Jose Advincula with Msgr. Hernando 'Ding' Coronel

and other priests at Quiapo Church in October 2021


Below is the full text of the message of His Eminence Cardinal Jose Advincula, Archbishop of Manila, on the order of the National Task Force on Covid-19 that the Quiapo Church remain closed for the duration of the Feast of the Black Nazarene and not allowing all activities related to Traslacion 2022.


Cardinal Advincula expressed unity with the devotees but admitted a deep concern due to the quick rise of infected persons with Covid-19 especially in the National Capital Region and asked for understanding in this extraordinary situation. He urged all to participate in the online masses for Traslacion 2022.


He also asked devotees to make this sacrifice for the safety of all.


Minamahal kong mga kapatid kay Kristo - Mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno,


Bilang inyong mga pastol, labis din kaming nababahala sa mabilis na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa, lalo na sa NCR. Kaisa ng ating pamahalaan, kami din ay nag-áalala na ang darating na kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Quiapo ay maging daan pa ng lalong paglalâ ng sitwasyon. Kaya bago pa man ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte noong gabi ng ika-apat ng Enero, nakipagpulong na ang pamunuan ng Quiapo Church sa NTF (National Task Force on Covid-19) at iba pang ahensya ng pamahalaan ng Maynila. Bilang tugon sa pambihirang sitwasyon ng pandemya, mula ika-pito hanggang ika-siyam ng Enero, ang mga Misa sa Quiapo Church ay mananatiling online lamang upang maiwasan ang pagtitipon ng maramihan.


Nauunawaan namin ang hangarin ng marami na makapunta sa Quiapo sa araw ng kapistahan ng Mahal na Señor. Humihingi kami ng paumanhin at pang-unawa na dahil sa pandemya hindi natin maisasagawa ang mga tradisyonal na gawain kapag kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Bagamat online, hinihikayat pa din ang lahat na makiisa sa mga pagdiriwang ng Santa Misa na gagawin sa loob ng simbahan ng Quiapo oras-oras.

Mabigat man sa ating kalooban ang hindi makadalaw sa Quiapo sa araw ng kapistahan ng Mahal na Señor, hayaan nating, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang Señor Nazareno naman ang siyang dumalaw sa ating mga tahanan at pamilya.


Umaasa kami sa inyong pakikiisa. Ipakita natin ang ating debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa ating pag-iisip ng makabubuti para sa bawat isa at pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat.


Pagpalain kayong lagi ng Diyos. Viva Poong Hesus Nazareno!

66 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page