During the 10th Anniversary of Lakbay Biblia
by Joel V. Ocampo
Significant points of His Excellency Most Rev. Pablo Virgilio S. David, D.D., Bishop of Kalookan, during the 10th Anniversary of Lakbay Biblia, with the theme Pinukaw Para sa Misyon, aired on Dominus Est Facebook page on July 24, 2021.
Ang pagsusugo ay pakikiisa sa gawain at misyon ni Kristo, ang pangunahing Sugo.
Ang taong pinukaw ni Kristo ay nagiging kabahagi ni Kristo.
Kung kayo’y alagad ni Kristo, kayo’y kabilang sa Kanyang gawain ng pagtubos.
Ang Kristiano ay isang sugo na taga dala ng Mabuting Balita, hindi ng masamang balita.
Hindi ka Kristiano kung ang paniwala mo ay “Only the good can be saved.” In the first place, we are all good.
Wala namang taong likas na masama.
Ang Maylikha sa atin ay isang mabuting Diyos; kaya kapag tinawag mong “evil” ang kahit na sinong tao dito sa mundo nilalapastangan mo ang Diyos.
Hindi ka Kristiano kapag naniwala ka na kahit isa, mayroong masamang tao.
Lahat ng tao ay likas na mabuti, kahit na nakagagawa sila ng masama.
Namumuhi tayo sa kasalanan, pero hindi sa nagkasala.
Namumuhi tayo sa gumagawa ng masama pero hinding-hindi natin tatawaging “likas na masama” ang sinomang tao dahil kalapastanganan iyon sa Diyos.
Kapag gumagawa ng masama ang tao, ang unang-unang nasasaktan ay ang Diyos.
Kaya kakaiba ang pananampalatayang Kristiano dahil naniniwala tayong walang isinusuko ang Diyos na kahit na sino.
Hindi magaganap ang ating partisipasyon sa misyon ni Kristo kung hindi tayo matututong mamatay sa sarili at magsantabi ng sarili, kung hindi tayo matututong makiisang puso at diwa kay Kristo.
Hindi nalulubos ang ating pagiging alagad hanggang hindi nalulubos ang ating partisipasyon sa misyon ng pagtubos ni Kristo.
Ito ang Mabuting Balita: walang “hopeless” na tao.
Nagiging bahagi tayo ng Katawan ni Kristo upang magsilbi tayo bilang “kinatawan” ni Kristo.
Ang ating misyon ay maging “kinatawan” at hindi “kapalit” ni Kristo.
Sa tuwing ang bawat alagad ay nagiging kabahagi ng Katawan ni Kristo, parang nagpapatuloy ang pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos.
Upang maganap ang patuloy na pagkakatawang-tao ng Salita ng Diyos, kailangan nating matuklasan ang Salita ng Diyos bilang pagkain sa araw-araw.
Kung wala tayong alam na pagkain kung’di ang pisikal na bubusog sa atin, magugutom ang ating mga kaluluwa.
Salvation is not only for Catholics. The moment you believe that only Catholics can be saved, you don’t know what salvation is anymore.
Isang matinding kalaban ng pagmimisyon ay ang clericalism…failure ang pari kapag hindi niya napukaw ang laiko para sa misyon.
Failure ako bilang obispo kapag hindi namin kayo napukaw upang makiisa at makibahagi sa misyon ni Kristo na maghatid ng Mabuting Balita sa sangkatauhan, sangdaigdigan, at sa sangnilkha.
We’re called not just to discipleship but to apostleship. We’re called not just to follow but to be sent.
Comments