top of page
Search

Salvation is for All

Homily of His Eminence Cardinal Luis Antonio Tagle Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) August 20, 2023


We thank the Lord who has gathered us this morning, this Sunday... We thank the Lord for the victory of Jesus over sin and death.


Every time we celebrate the Eucharist, it is like Sunday. It is a commemoration of Jesus’ passion, death and resurrection that gives us new life.


Maganda po ang mga pagbasa natin at maganda ang balita sa atin, tunay na Mabuting Balita. Truly, Good News Gospel!


And what is it? The good news is that God offers salvation to all. To all people.


Bukas ang pagliligtas ng Panginoon sa lahat ng tao, walang itinatangi.


Although God chose Israel as His own people, what we call the Jewish people, as His own people, that does not prevent God from opening His heart and offering salvation to all.

Kaya nga po sa unang pagbasa mula sa propeta Isaias, makikita natin na sabi ng Panginoon, Pati ang mga banyaga -- the foreigners who love the name of the Lord and who serve the Lord -- they will be acceptable to the Lord. Hindi lamang yung miyembro ng Israel kundi pati yung mga foreigners, mga nasa labas ng bayang Israel. Kung magmamahal sila sa Diyos, kung maglilingkod sila, sila ay tatanggapin ng Diyos. At ang kanilang panalangin ay tunay na panalangin. And they are invited to the House of the Lord, the temple. Their prayers will he heard.

Kasama po tayo dun sa mga foreigners. Kasama tayo doon, sa tinatawag ni San Pablo sa ikalawang pagbasa na mga Gentiles. The Gentiles, those who did not belong to Israel.

But St. Paul, as an apostle, he preached the Good News not only to the Jews but to the Gentiles. He became the apostle to the Gentiles to remind them that God has been merciful to them -- pati ang mga foreigners ay makakatanggap ng habag ng Panginoon. Kasama po tayo dun sa Gentiles pero hindi ipinagkait sa atin ng Panginoon ang Kanyang pagmamahal.


Even Jesus, learned about the universal love of God during His mission. Siguro yung iba maiiskandalo sa naging ugali at salita ni Hesus sa Ebanghelyo. A Canaanite woman came to Jesus. Canaanite, galing sa Canaan. Ibig sabihin po, foreigner itong babaeng ito. Hindi siya kasama sa "chosen people" [ng] Israel. Iba ang kaniyang relihiyon, iba ang kaniyang kultura, iba ang kaniyang ugali pero nabalitaan niya na andyan si Hesus at ang kanyang anak na babae ay inaanihan ng masamang espiritu. Dala ng pagmamahal niya sa kanyang anak, dala ng matinding pangngangailangan, at dala rin ng misteryoso na paniniwala niya dito kay Hesus na siguro nabalitaan lang niya... pero meron na siyang paniniwala. 'Pupunta ako dito kay Hesus, na iba sa amin.'


Si Hesus ay Hudyo [samantalang] ang babae ay Canaanite pero naglakas-loob ang babaeng ito at sabi nya, “Have pity on me, Lord, son of David!”

Tinawag niya si Hesus na Lord, Panginoon!


Alalahanin po natin mga kapatid nung panahon na yun si Hesus ay tinutuligsa!

Si Hesus ay hindi matanggap nino? Ng mga kalahi niya. Kung sino pa yung kalahi niya, pati yung mga pinuno ng templo, hindi siya kinikilala bilang Panginoon.


Pero itong Canaanite woman, lumapit, “Have pity on me Lord, son of David. My daughter is tormented by a demon.” Naniniwala siya na mas malakas si Hesus kesa masamang espiritu.


Ano ang ginawa ni Hesus? Jesus did not say a word in answer to her. Wow! Ano tawag ng mga bata dyan? Dinedma! Dinedma ni Hesus yung babae! Parang diba masho-shock tayo na, Ha? Diba mahabagin si Hesus? Ito po -- hindi lang si Hesus, yung mga alagad ni Hesus, lumapit kay Hesus at sabi, “Send her away. For she keeps calling out after us." "Palayasin mo nga yan, ang ingay ingay! Buntot nang buntot sa atin, napakakulit! Palayasin mo!" So hindi lang si Hesus! Si Hesus nang-dedma, yung mga alagad ni Hesus gusto magpalayas! Sabi ni Hesus sa babae, “I was sent only to the lost sheep of the House of Israel.”


Aha! Dito natin nakita, si Hesus ay tunay na Hudyo. This is part of the incarnation, pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos. Nagkatawang tao siya bilang Hudyo. Kaya yung mentalidad ng mga Hudyo, dala-dala ni Hesus: na ang uunahin ay Israel! Sabi nya, ako ay sinugo para sa Israel lang, eh ikaw taga labas ka, outsider ka. So huwag ho tayong masyadong maiskandalo, ito po ay patunay na si Hesus ay tunay na tao. Yung mentalidad ng panahon na iyon ay kasama sa kanyang pagiging tao.


Pero yung babae pursigido!


The woman came and said, Lord help me! Eto na: Sabi ni Hesus, "It is not right to take the food of the children and throw it to the dogs."


Wow! Medyo mabigat ito: Ang dapat kong pakainin, yung mga anak ng Diyos, ang Israel. Hindi dapat kunin yung pagkain ng anak at ibigay sa mga tuta, sa mga aso. So ang babaeng ito at ang mga outsiders ay parang itinuturing na aso, tuta.


Dito tayo hahanga sa sagot nung babae, “Lord even the dogs eat the scraps that fall from the table of their masters.” "Sige na, ituring nyo na kaming aso pero ang tunay na amo nagpapakain din ng aso kahit ng mga mumo. Huwag nyo nang ibigay sa akin yung tunay ninyong pagkain, kahit yung nahuhulog na lang, sapat na yan."


Upon hearing that, Jesus learned. [He] learned a lesson that he could find faith, he could find the blessing of God even outside the confines of the people Israel.


Itong babae ang nagturo kay Hesus, tungkol sa kanyang misyon: Ang misyon niya (ay) hindi lamang para sa mga taga Israel; ang misyon niya ay para sa lahat.


Kaya sabi ni Hesus, tama ka! Tama ka! "Great is your faith, let it be done for you as you wished."


Pinagaling ni Hesus yung anak at gumaling nga.

Nakita ni Hesus ang kanyang misyon ay para sa lahat.

Hindi lamang yung babaeng Canaanite ang nakikinabang sa pag-ibig ni Hesus -- tayong lahat.


Ang pakiusap ho sa atin, sana tulad ni Hesus maging bukas din tayo sa tinuturing nating outsiders, yung mga itinuturing na hiwalay sa ating community.


Minsan kasi ang tendency natin, kaniya-kaniya. Yung grupo ko lang ang magaling. Yung grupo ko lang ang laging tama! Yung samahan ko lang ang maaasahan. Maging bukas, makakatagpo tayo ng malalim na pag-ibig at pananampalataya sa mga tao na hindi natin inaasahan. Tulad ni Hesus, maging mulat tayo, open to the manifestations of love, faith and true prayer outside of our groups and circles.


And once we have learned from them, expand your heart. Katulad ni Hesus, palawakin ang inyong puso, isip at paglilingkod.


Ok, baka hindi nyo nga kilala yung katabi ninyo ho, kilala nyo ba yan? Baka yung iba sa inyo todo ingat sa bag, sino ba tong katabi ko? Baka mandurukot ito! Naku! Ingat kayo, baka hindi yan ang mandurukot, baka yan ang magdodonate sa iyo! Yung hindi mo inaasahan, baka yan ang sugo ng Diyos sa atin.



Transcribed by Russel Fleur Gallego

Watch the livestream of the full mass at TV Maria and Manila Cathedral

128 views0 comments

Comments


bottom of page